Thursday, October 20, 2011

YuYuHakusho/Ghost Fighter-No Anime Please


This past few days, bigla na lang namin naisipan ng asawa ko manuod ng English version ng Ghost Fighter...

I am not an anime fan, but thanks to this series this never fails to bring back my childhood days and a lot more...

Before I start let me all tell you that this was made with the permission of my husband  honestly siya pa nagconceptualize at nagbigay ng idea na ito, as always my blog title is not exactly as it means to me, Ghost Fighter, this is our all time favorite cartoon cguro ng mga Generation X but for me, these are my EXes', particularly the main characters, mga multo(ghost) sila ng buhay ko, pero may isang character dun siyempre na hindi :) , (at the end of the blog pa marereveal, para suspense) mga multong nag bigay sakin ng lesson sa buhay pag-ibig at iba pa,joke.Pero kidding aside, sila ung mga dating ghost fighter  na minsan tumulong at sumama sa kin pra labanan ang tunay na hamon ng buhay.


I am not doing this because I am bitter I just want to clarify that to everyone:)sa maniwala kayo't hindi,lahat ng babanggitin ko dto sa blog na ito ay kaibigan ko padn hanggang ngayon.Patunay na moved on na ako at malaki pasasalamat ko sa mga phenomenological experience na binigay nila sa akin, sori sa mga matatamaan.. beep beep nlng.. 


Let's have them chronologically..hahaha 
(I will be using character names as their codenames for confidentiality purposes at delikadeza na din)


DENNIS (real name starts with letter "D" also)


STRENGTHS:  romantic and sweet looking guy 
WEAKNESSES: sobrng cute prone magkaron ng mdming girls, minsn npapagkamalan pang girl! chos!

STORYLINE: Dennis, used to be my bestfriend nung college kami, but it doesnt mean siya first bf may nauna pa nung HS ako, haha (landi) , anyway madami akong natutunan sa lalaking ito, and that is to FIND MYSELF FIRST BEFORE YOU CAN LOVE OTHERS! bongga diba? yan kasi exact words na sinabi nya nung nagbreak kami, hanapin nya muna sarili nya at babalik siya pag buo na siya, and at first dku matnggp un, ano un kalokohan?! pero after sometime narealize he is right, before you can share your love to others, we must love ourselves too.Mahirap na bigay ka ng bigay until wla na matira for yourself, hanggang sa nabaliw ka na ksi ndi mo na kilala sarili mo.

ENDING: We remained friends till now and sa tingin ko naman nahanap na niya sarili niya:) Happy for him.

EUGENE (real name starts with letter "E" also)

STRENGTHS:  Lakas ng Loob, Carefree,think outside the box person, Strong Willed
WEAKNESSES: Sobrang carefree nahirapan magprioritize

STORYLINE:  Eugene is most probably have the deepest impact among them, pinaka-deep yung cut at pinaka-matinding "ray-gun" na tumama sakin,kasi sobrang sakit nung una na tumagal ng ilang taon din bago ko napatawad. Isang tao na may paninidigan at paniniwalang malupit sa knyang ideolohiya kaya siya naging kahanga-hanga para sa akin nung mga panahon na yun. Isang napakalaking bagay na natutunan ko sa kanya ay ang IPAGLABAN ANG NAIS MO AT HUWAG PAPADALA SA IBA, natutunan ko sa kanya na sa buhay,marami talagang kontrabida,pero sino ba sila para manghusga? wala silang alam kaya  hindi dapat intindihin ang sasabihin ng iba, lalo na kung  hindi naman maganda, pero sa kanya ko din natutunan ang pinakamahirap na tanggpin na parte ng buhay na, MAY MGA BAGAY TALAGANG HINDI PWEDENG IPILIT, kabaligtaran dba? pero kapag nagawa mo na ang lahat at pinaglaban ang nais mo, ngunit wla pa din, minsan kailangan tlga natin sumuko at ipaubaya na lang sa Diyos ang mangyayari.We cannot get anything we want, may mga sacrifices and limitations talaga tayo, kasi we are just human beings created by HIM awww

ENDING: Salamat sa taong ito, natuto akong magalit (in a right way and time dapat)at gamitin ang defense mechanism na compensation, dahil matapos nmin magbreak , nag-aral ako ng sobra para maging Registered Nurse at aun natupad , pero salamat ng pinakamadami sa Diyos. Magkaibigan ulit kmi after so long years na walang pansinan, umakyat pa kmi ng bundok the last time we saw each other:) 


VINCENT (its his real name, sumakto lang talaga)

STRENGTHS: Fast, Genius sa tactics, matured thinking
WEAKNESSES: hot tempered, inferiority-superiority complex (magulo eh) 

STORYLINE: Vincent is the real name no codenames whatsoever sumakto talaga, well I met this guy in school during college, nakakahiya mang aminin pero sa isang quiz show(battle of the brains like) ewww nerd nerdan.They were the winners,3rd lng ata kami, and honestly nakakadadagPOGI points yun kasi matalino siya.  Short-lived ung relationship kasi umalis sya, he went to Canada, and we decided na it won't work out, honestly I didn't love him fully, rebound as they may say,kaya one thing I've learned from him is TO BE HONEST WITH YOUR FEELINGS, mahirap pilitin kung wla ung puso mo sa ginagawa mo..and later in my life ko na narealize na sa kanya ko pala natutunan yun, kasi I came to a point that I have to made choices about my career, about what I truly love most, dapat honest ka sa sarili mo na sometimes sa buhay money isn't money without it's meaning.We all have to find what will really makes us happy.

ENDING: dahil amicable from the very start and aming break-up ., no hard feelings, we are still friends:)


ALFRED (this is the suspense part, siya yun, oo siya un kung hindi mo gets basahin mo ulit! FOCUS)

STRENGTHS: fun to be with, simple, todo magmahal,responsable, very lovable (biased ako)
WEAKNESSES: hindi ko makita


STORYLINE: ten ten ten,Alfred is my husband, his personality and looks, Alfred is the closest.He will fight for you no matter what it takes and compared to the rest of the guys, he is the only GENUINE HUMAN sa series ha,that suited me, so lucky that I found him, his love fills all the emptiness I had before lahat ng tanong ko and angst ko sa napakamalas kong love life before,he is the real answer, akala ko nga mging man hater na lang ako , good thing he saved me from thinking and doing that. Madaming bagay akong natutunan sa taong ito and patuloy na matututo kami sa bawat isa. But the very important lesson he taught me is, LOVE IS TRUE and its a GIFT FROM GOD , though hindi laging perfect, may mga bagay na only love can bring a solution ..

ENDING: We just got married, need i say more?! happy and definitely no ending! 

Ghost fighters, thanks for being with me before, today and tomorrow. We fought a good fight and in every fight we had.Lessons were learned and forever will be treasured.

MANY THANKSif not for them,this would not lead me to the best partner I have right  now:)

PIECES OF ADVICE
for singles: Enjoy your life, dadating din yan, learn to wait
for those who are married: Be happy and contented, swerte niyo sa 7bilyong tao sa mundo ngayon nakahanap kayo ng taong pinili kayong makasama. Huwag nang maghanap ng iba, mahirap na.

Carpe Diem-Live Life to the fullest 


Lovelots,
Letsky

1 comment:

  1. Natawa naman ako dito! haha! :) lahat may connection! haha! :))

    ReplyDelete